01 October 2008

Sards' Nostalgia Free Verse

Subscribe to my Belek Feed
My Pen Mates,

This one deserves an OINK Recognition. Kudos to my friend Glosardo (Sards) Sarmiento; thanks for having this posted in Click to go to ELEK NA BELEK blog

Mga kasama: Pagpasensiyahan niyo na itong basahin. Gusto ko lang kayong aliwin. Sanay maibigan niyo.

Isang Tulang Pam(pa)bata
(Ng isang isip bata)

Tayo nang maglakbay sa nakaraan
Sariwain ang mga masasayang araw
Hayaang liparin ng hangin ang ating mga isipan
At muli tayong dalhin sa mundo ng ating kamusmusan.
Unang araw ng pasukan
Mga batang paslit na karay karay ng mga nanay
Ipinalista kay Mrs. Pena, Ms. Armas at Mrs. Parlan
Sapagkat handa na daw silang mag-Grade One.
Dala ang pad ng papel at kwaderno binili sa palengke
Lapis na bagong tasa at pamburang amoy kendi
Ilagay mo lahat sa bagong bag na binili ni tatay
At kung wala nama’y magkasya ka muna sa supot ng tinapay.
Sabik na sabik ang lahat matutong bumasa at sumulat
Meron ding takot mawalay sa saya ni nanay
Kaya’t iniiwan muna ang labahan at gawaing bahay
Upang sa labas ng silid aralan sa iyo ay maghintay.
Natatandaan niyo pa kaya itong mga kanta:
“Tayo’y Sumakay sa Kabayo” at “We Laugh Ha ha!”
At alam niyo pa kaya kung anong unang titik sa alpabeto
Ang itinuro sa inyo ng inyong mahal na guro?
Tuwing umaga bago pumasok sa iskuwela
Pumila nang mahaba at kumanta:
Bayang magiliw, perlasi langalang
Alab ng puso sa didi moy buhaw”
"Lupang hinirang duya ka ng magiting
Sa manlulupit di ka pasisiil. Sa daga at mundok
Sa simoy at sa langit mong buhaw
May dila ang tula at awit sa paglayang minamahal
Lupa ng araw ng paghatit pagsinta
Buhay ay langit sa piling mo
Aming ligaya na paghatit pagsinta
Ang mamatay ng dahil sa iyo!" Ano raw?
Panunumpa sa watawat na walang puknat
Sabayan ng ehersisyong walang humpay
Hala! Pumila kayo ng langkay-langkay
Papasok sa classroom pero 'wag maingay!
Doon tayo’y natuto hindi lang bumasa, sumulat at magbilang
Tayo rin ay natuto ng magandang asal
Gud morning madam, gubaternon madam!
Pumila sa lahat ng pupuntahan, kahit papunta sa ihian.
“Ano ang gusto mong maging paglaki mo?” minsa'y tanong ni titser
Gusto ko maging nurse, gusto ko maging doktor
Gusto ko maging lawyer, gusto ko maging engineer
Gusto ko maging accountant, gusto ko ring maging titser!
Gusto ko maging sundalo, gusto ko maging pilot
Gusto ko maging maging mayor, gusto ko maging president
Gusto ko maging si Superman, gusto ko si Batman
Gusto ko lang lumaki, GUSTO KO NANG UMUWI!
Lahat ng bagay na ngayon ay ating taglay
Dili ba’t doon nagsimula sa unang araw
Nang tayo’y ihatid sa pintuan
Ng ating mga silid aralan?
Paunawa sa mga may tiyagang bumabasa
Ang tulang ito ay maaring dugtungan.
Malaya ang sinuman na magbahagi
Ng mga berso at talata na king sinimulan.
Maligayang Paglalakbay!

Sards Sarmiento

01 October 2008

No comments: